Posibleng tumaas ang alert level anumang oras kung kinakailangan sa gitna ng muling paglobo ng kaso ng Covid-19 sa bansa at apat na naitalang Omicron variant na mas nakahahawa kumpara sa Delta.
Tugon ito ni acting presidential spokesman karlo nograles sa ulat ng Octa Research Group na tumaas ng 8.4% ang Covid-19 positivity rate sa metro manila.
Sakali anyang makakita ang inter-agency task force ng case spike, posibleng itaas o higpitan ang alert level kung kailangan.
Maaari namang i-anunsyo mamaya ang panibagong alert level system na magsisimula sa Enero 1 hanggang 15.
Kasalukuyang nasa ilalim ng alert level 2 ang Pilipinas hanggang bukas, Disyembre 30.