Nagpaliwanag ang PhilHealth kaugnay sa nakaambang pagtataas ng buwanang kontribusyon matapos batikusin ang nasabing hakbangin.
Ayon sa PhilHealth para sa taong 2021 ipatutupad ang adjustment sa contribution at income ceiling upang matiyak ang sapat na pondo ng ahensya na inilalaan sa benepisyong medikal ng 110 milyong miyembro nito.
Binigyang diin ng PhilHealth na ang pagtataas ng kontribusyon ay nakasaad sa Republic Act 11223 o Universal Health Care Law.
Ipinabatid pa ng PhilHealth na mas marami naman ang magiging pakinabang ng kanilang mga miyembro sa ilalim ng UHC law.
Umaapela ang PhilHealth sa publiko na pagtiwalaan ang bagong pamunuan ng ahensya para ipatupad ang mga reporma at baguhin ang sistema.
Tiniyak din ng PhilHealth na ang pinaghihirapang kontribusyon ng mga miyembro ay mapupunta naman sa mga benepisyo.