Bukas ang Coordinating Council of Private Education Associations of the Philippines (COCOPEA) na itaas ang matrikula sa mga pribadong paaralan na lalahok sa full implementation ng face-to-face classes.
Kasabay ito ng patuloy na pagbagsak ng ekonomiya at pagmahal ng bilihin dahil sa pagtuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Pero ayon kay COCOPEA Managing Director Lawyer Joseph Noel Estrada, kailangan pa itong pag-aralang mabuti dahil maaaring hindi na mag-enroll ang mga mag-aaral dahil sa taas ng tuition fee.
Sa ngayon, magsasagawa na rin ng konsultasyon ang COCOPEA sa mga magulang at iba pang stakeholders para pag-usapan ang planong pagtaas ng matrikula.