Inihayag ni Private Advisory for Council Lead for Jobs Joey Concepcion na ang sektor ng mga OFWs na kumikita ng dolyar ang masasabing panalo sa ginawang pagtataas ng US ng kanilang interest rate upang sugpuin ang mataas na inflation.
Ayon kay Concepcion, pabor ito sa mga OFW gayong mas maraming piso ang makukuha nila kapag ito ay kanilang ipinapalit.
Pero, giit ni Concepcion na tatamaan naman ng interest rate ng Amerika ang patuloy na pagkawala ng value ng iba’t ibang currencies at may epekto ito sa MSMEs.
Aniya, mahihirapan sa hakbang na ito ang mga maliliit na negosyo dahil tataas din ang interes na babayaran nila sa kanilang pinagkaka-utangan partikular sa mga micro-financing institutions.
Samantala, sinabi ni Concepcion na ang tanging magagawa ngayon ay maghintay na maghinay-hinay ang Estados Unidos sa kanilang ginagawang pagtataas ng interest rates.