Masusing pinag-aaralan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kahilingan ng ilang manufacturers sa taas-presyo ng mga tinapay at sardinas.
Sinabi ni DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan ng Consumer Protection Group, nanawagan ang mga gumagawa ng tinapay dahil sa mataas na presyo rin sa mga produkto tulad ng harina.
Humihiling din ang mga gumagawa ng sardinas ng price increase dahil sa pagtaas ng presyo ng mga isda.
Binigyang diin ni Cabochan na tinitignan nila ng mabuti ang mga naturang kahilingan dahil marami silang kinokonsidera hinggil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Samantala, sisikapin nilang panatilihin sa pinakamababa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.