Isinusulong ng isang mambabatas sa Kamara na dagdagan ang subsistence allowance na ibinibigay sa mga preso.
Layon nitong mabigyan ng masustansya at sapat na pagkain ang mga ito habang pinagsisilbihan ang kanilang sentensya.
Sa House Bill 6124 ni Quezon City Rep. Winston Castelo, iminungkahi nitong gawing P100 ang allowance ng mga bilanggo mula sa P50.
Bukod sa allowance, isinusulong din ng nasabing panukalang batas na magkaroon ng ugnayan ang Bureau of Jail Management and Penology gayundin ang mga lokal na pamahalaan para makapagpatayo ng mga karagdagang bilangguan.
Ani Castelo, bukod sa kawalang sustansiya kulang na kulang din ang mga bilanggo sa tamang tulog at bantad sa anumang sakit dahil sa marumi at masikip na kapaligiran.
By Jaymark Dagala