Tiniyak ng Malacañang na tutulungan ng Pilipinas ang may 2,000 migrants at refugees mula sa Myanmar at Bangladesh.
Ito’y makaraang abandonahin ng hinihinalang human smugglers ang mga pinalayas na indibiduwal matapos na magpatupad ng crackdown ang gobyerno ng Thailand.
Kasunod nito, pinabulaanan naman ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma ang unang ibinalita ng pahayagang Inquirer na itataboy din ng Pilipinas ang mga tinawag na boat people.
Binigyang diin din ni Coloma ang pangako ng Pilipinas sa United Nations na magkakaloob ng tulong sa mga migrante o sinumang nawalan ng matutuluyan alinsunod sa 1951 Convention Relating to Status of Refugees kung saan kabilang ang Pilipinas.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)