Tututukan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang pagtatatag ng maraming oil depots, refineries, agro-industrial at renewable energy special economic zones sa pagpasok ng administrasyong Marcos.
Sinabi ni PEZA Director General Charito Plaza, ang tanging paraan upang makabangon mula sa pandaigdigang banta ay maging self sustaining at self reliant lalo na sa produksyon ng langis at pagkain.
Ipinaliwanag nito na kailangang palakasin ang manufacturing at refinery sa pamamagitan ng pakikinabang sa mayamang lupain, natural at human resources sa responsableng paraan.
Aniya, malaki aniya ang maitutulong ng oil depot at refinery special economic zones para tugunan ang krisis sa langis at ibaba ang presyo ng pagkain at iba pang mga pangunahing bilihin.