Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatag ng isang National Government Portal at National Broadband Plan.
Matapos ang presentasyon ni DICT o Department of Information and Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima sa cabinet meeting, sinabi ng Pangulo na mahalagang magkaroon ng mas mabilis na komunikasyon sa bansa.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na nais nitong bumuo ang DICT ng isang National Broadband Plan para mapabilis amg deployment ng fiber optic cables at wireless technologies para mapabuti ang bilis ang internet connection.
Matatandaang isa ang Pilipinas sa may pinakamabagal na internet sa Asya.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping