Pinayuhan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang mga alkalde sa Central Visayas na laging itaguyod ang local autonomy dahil mas alam nila ang nangyayari sa kanilang lungsod.
Ito ang naging mensahe ni Garcia sa 52 alkalde na dumalo mula sa mga lalawigan ng Cebu, Bohol, Negros Oriental, at Siquijor.
Sa isinagawang dalawang araw na seminar mula noong Huwebes, September 22, tinalakay ni Garcia ang tungkol sa lokal na pamamahala katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG).
Namahagi rin ng tips ang gobernadora sa pamamahala sa sitwasyon ng krisis partikular sa krisis sa kalusugan at modernong panahon. - sa panunulat ni Hannah Oledan