Iginigiit ng ilang senador ang pagtatakda ng minimum standard para sa internet speed sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ito, ayon sa mga senador, ay para matiyak ang maayos na connectivity sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Nakasaad sa Senate Bill 1831 o panukalang better internet act ang minimum download speed na dapat mai-provide ng telecommunications company at internet service providers sa kanilang subscribers.
Batay sa panukala nina Senador Ralph Recto, Senadora Grace Poe at Senador Manny Pacquiao, nasa 10Mbps ang fixed broadband at 5MBps ang mobile broadband sa mga highly urbanized cities, 5Mbps para sa fixed broadband at 3MBps sa mobile broadband services sa lahat ng iba pang lungsod at 3MBps para sa fixed broadband at 2MBps sa mobile broadband services sa rural areas.
Inatasan ang mga internet provider na sumunod sa mga nasabing itinakdang speed sa loob ng tatlong taon mula sa pagiging epektibo ng panukala.
Para maprotektahan naman ang mga consumer, pinagbawalan ang mga telco at providers sa pag-aadvertise ng internet service speeds na hindi naman nito maibibigay
Hindi bababa sa P200,000 hanggang P2-milyon ang itinakdang multa sa kada bilang nang paglabag ng internet provider.