Dapat bigyan ng ride-hailing company na Grab ang mga pasahero ng partikular na mga oras kung kailan dapat ipatupad ang surge charge.
ito ang panawagan ng grupong lawyers for commuter safety and protection (LCSP) kasabay ng muling pag-arangkada ng pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa issue kahapon.
Ayon kay LCSP President, Atty. Ariel inton, kahit hindi Pasko ay laging may pasahero at mayroong traffic congestion at rush hour kaya’t dapat maging malinaw ang pagpapataw ng surge rate ng Grab.
Pinapatawan din anya ng P85 ng Grab ang short trips o mga biyaheng wala pang apat na kilometro na isang paglabag sa fare matrix ng LTFRB.
Ibinabala naman ni Inton na may katapat na multang P5,000 ang bawat overcharge ng Grab kaya’t dapat lamang nitong ipaliwanag nang maigi ang issue sa kanilang surge rate.
Gayunman, nilinaw ng Grab na wala umano silang control sa surge charge dahil otomatiko itong ipinapataw ng kanilang app.