Naniniwala si House Speaker Lord Allan Velasco na mas darami pa ang mate-test sa COVID-19 makaraang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) na nag-uutos sa pagtatakda ng price ceiling mga sa COVID-19 test at test kits sa bansa.
Ayon kay Velasco, sa hakbang na ito, tiyak na mas mapapabilis din ang pagbubukas at normal na pagbangon ng ekonomiya ng bansa dahil agad na makababalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao.
Paliwanag ni velasco, ang pagkakaroon ng price cap sa mga swab testing sa bansa, ay magreresulta ng uniform rate na hihimok sa lahat maging ang mga mahihirap na sumailalim sa screening, lalo na sa mga oras na nakararamdam ang mga ito ng anumang sintomas ng COVID-19.
Sa huli, naniniwala si Velasco na oras na gawing accessible at abot kaya ang test sa COVID-19, ay makatitiyak na tataas pa ang bilang ng mga nagnanais na magpasuri, at dahil dito, magiging madali rin ang pagtukoy, pagbukod at paggagamot sa sinumang dadapuan ng virus.