Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatakda ng Suggested Retail Price (SRP) sa asukal.
Dahil ito sa pagtaas ng presyo sa mga pamilihan bunsod nang kakulangan sa produksyon dulot ng pagkasira ng mga sugarcane plantation dahil sa mga nagdaang bagyo.
Ayon kay DA Undersecetary Kristine Evangelista, batay sa kanilang pag-aaral ay dapat ilagay sa P72.50 centavos ang presyo ng asukal kada kilo sa mga supermarket.
Maliban sa pagtatakda ng SRP, nakikipagtulungan na rin sa DA ang mga stakeholders para mapababa ang presyo ng asukal.