Ikinalugod ni Senador Francis Escudero ang pagkakatalaga kay Nestor Espenilla bilang bagong Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon kay Escudero, maganda na insider ang bagong BSP Governor para magkaroon ng kinakailangang fiscal at monetary backbone na siyang sisiguro ng patuloy na paglakas at paglago ng ekonomiya ng bansa.
Tiniyak din ni Escudero na bilang chairman ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, masusi siyang nakikipagtulungan sa Central Bank sa pagbuo ng panukalang batas na mag-aamyenda sa bank secrecy law, anti money laundering act at BSP charter.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno