Tuloy na tuloy na ang installation ni Cardinal Jose Advincula bilang ika-33 arsobispo ng maynila matapos itong maudlot bunsod ng COVID-19 pandemic sa a-24 ng Hunyo.
Ayon kay Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, sasalubungin si Advincula sa araw mismo ng installation ng limang alkalde na sakop ng Archiodocese of Manila, kinabibilangan ng Manila, San Juan, Mandaluyong Makati at Pasay City.
Ipinabatid naman ni Fr. Reginald Macdem na lilimitahan lamang sa 400 ang guest sa naturang installation ceremony.
Pahihintulutan lamang na pumasok sa simbahan ay ang mga mayroong imbitasyon habang ang iba naman ay maaaring pumuwesto sa labas dahil maglalagay sila ng mga LCDS dito.
Bukod dito, isasara naman ang buong intramuros habang nagaganap ang installation ceremony.
Tanging ang mga entrance at exit malapit sa Pamantasan ng lungsod ng Maynila ang bubuksan.
Samantala, magsisimula installation ceremony sa potigo gate ng Intramuros kung saan eksklusibo lamang ito sa mga arsobispo ng Maynila at gobernador heneral nuong panahon ng kastila.