Winelcome ng ilang Senador ang appointment ni PDEA Chief Isidro Lapenia sa Bureau of Customs kapalit ni Commissioner Nicanor Faeldon.
Itinuturing ni Senate Majority Floorleader Vicente Tito Sotto na good choice si Lapenia bilang Customs Chief kung nais talaga ng gobyerno na pagtuunan ng pansin ang kampanya kontra smuggling at illegal drugs.
Ayon kay Sotto walang bahid na korupsyon o hindi nasangkot sa anumang kontrobersya si Lapenia na aniya’y kabisado na ang isyu ng illegal drugs at smuggling.
Sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na kilala niya ng personal si Lapenia at kaya niyang idepensa ang kapasidad nito para pangunahan ang Customs.
Samantala wala namang inaasahan si Senador Antonio Trillanes mula kay Lapenia.
Inihayag ni Trillanes na walang drastic na mangyayari sa customs at tiyak aniyang magpapatuloy ang smuggling at korupsyon dito.
Hinamon naman ni Senate President Protempore Ralph Recto si Lapenia na kaagad tutukan ang collection target ng customs.
By: Judith Larino
SMW: RPE