Isang “social call” lamang ang pagdalo ng natalong Quezon City mayoral candidate na si Mike Defensor sa pulong ng Metropolitan Manila Development Authority.
Tugon naman ito ng malakanyang matapos sitahin ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang pagdalo ni Defensor sa meeting ng MMDA.
Itinanggi rin ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na si Defensor ang susunod na itatalagang chairman ng nasabing ahensya.