Iminumungkahi ni Senate President Vicente Sotto III ang pagtatalaga kay Vice President Leni Robredo bilang chairman ng Dangerous Drugs Board o DDB at director general ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Ayon kay Sotto, ito ay kung talagang seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay kay Robredo ang kapangyarihan para pangasiwaan ang kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.]
Makabubuti aniya ito dahil sa nabanggit na pamamaraan, tunay na mapapangasiwaan at matututukan ng pangalawang pangulo ang war on drugs campaign.
Samantala, sinabi naman ni Senador Koko Pimentel na hindi maaaring ibigay ni Pangulong Duterte ang kanyang kapangyarihan sa iba maliban na lamang sa kanyang alter ego dahil ito lamang aniya ang maaaring magpatupad ng batas bilang chief executive. — ulat mula kay Cely Ortega- Bueno (Patrol 19)