Suportado ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang pagtatalaga ni President-elect Rodrigo Duterte sa Dalawang progresibong leader bilang mga Cabinet Member.
Ayon kay Bayan Secretary-General Renato Reyes, may tiwala sila sa pagkakatalaga kina Rafael “ka paeng” Mariano bilang Agrarian Reform Secretary at Judy Taguiwalo bilang Social Welfare Secretary.
Malaki anya ang nagawa nina Mariano at Taguiwalo para sa bayan lalo sa mga inaaping sektor ng lipunan.
Aminado si Reyes na kailangan nila ang suporta dahil may mga kakalabanin din silang interes na kontra sa pagbabago.
Suportado rin ng bayan ang pagkakahirang kay Dating Justice Secretary Silvestre Bello bilang Kalihim ng Department of Labor and Employment o DOLE.
By: Drew Nacino