Hindi uubrang magtalaga ng mga bagong opisyal ng barangay sakaling hindi matuloy ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Ayon ito kay Election Lawyer Atty. Romulo Macalintal dahil malinaw aniya sa konstitusyon na elected officials ang mga opisyal ng barangay tulad ng iba pang local government officials.
PAKINGGAN: Si Atty. Romulo Macalintal sa panayam ng DWIZ
Buwagin na lang ang Barangay Kagawad – Atty. Macalintal
Iminungkahi ni Election Lawyer Atty. Romulo Macalintal sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuwag na lamang sa posisyon ng Barangay Kagawad.
Sinabi sa DWIZ ni Macalintal na bukod sa kakaunti na lamang ang imo-monitor ng Pangulo ay makakatipid pa ng halos P200-B na pasuweldo sa mahigit 300,000 Barangay Kagawad sa buong Bansa.
PAKINGGAN: Pahayag ni Atty. Romulo Macalintal
Ayon kay Macalintal, uubra namang makatuwang ng Barangay Chairmen ang mga Department Heads at mga Barangay tanod.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Atty. Romulo Macalintal sa panayam ng DWIZ
By Judith Larino