Isinusulong ng ilang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga ng bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources sakaling hindi lumusot si Secretary Gina Lopez sa pagbabalik sesyon ng kongreso.
Inendorso ng PDP-laban-Caraga, na partido ni Pangulong Duterte, ang ka-brod nito sa Lex Talionis Fraternity na si Atty. Mark Kristopher Tolentino, 37 anyos na dating local government official.
Noong nakaraang eleksyon, si Tolentino ang nag-iisang PDP-Laban candidate na inendorso ni Duterte sa CARAGA region, sa pagka-alkalde ng Cabadbaran City, Agusan Del Norte pero natalo.
Bago sumabak sa mayoralty race, si Tolentino ang naging pinaka-batang konsehal sa kanilang lugar sa edad na 15, Sangguniang Kabataan Chairman at nagsilbi sa Office of the Solicitor General.
Kagaya ng Pangulo, graduate din si Tolentino ng San Beda College of Law at kasalukuyang private litigation lawyer at propesor sa De La Salle University.
By: Drew Nacino