Matapos mailibing ang Santo Papa, naghahanda na ang mga Cardinal para sa inaabangang conclave o ang pagtatalaga ng bagong pinuno ng Simbahang Katoliko.
Nakatakda ngayong araw ang ikalimang pangkalahatang pulong ng mga Cardinal mula nang mamatay si Pope Francis.
Kaugnay nito, inaasahan na rin na pumili ng petsa para sa conclave ang mga ito.
Habang nakakandado sa Sistine Chapel, boboto ang mga cardinal-electors ng apat an boto bawat araw hanggang mayroong makakuha ng 2/3 majority na siyang, kikilalaning bagon santo papa.
Tinaguriang People’s Pope dahil sa pagiging bukas sa mga nangangailangan, ilang katoliko ang nangangamba kung ang papalit kay Pope Francis ay katulad nitong bukas sa pagbabago at puso sa mahihirap.—sa panulat ni Kat Gonzales