Ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng mga negosyo sa Maynila ang pagtatalaga ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) monitoring officer.
Ito’y sa pag-arangkada ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila kung saan pinapayagan ng magbukas ang mga negosyo.
Ayon kay Moreno, ang COVID-19 monitoring officer ang siyang regular na magre-report sa business permit division hinggil sa mga empleyadong nagkakasakit, mga customer na walang mask at iba pa.
Tuwing ika-15 araw umano dapat magreport ang mga naturang officer.
Ani Moreno, dapat itong sundin ng mga establisyemento dahil kung hindi ay maaaring ipasara ang kanilang negosyo.