Iminungkahi ng National Privacy Commission (NPC) ang pagkakaroon ng data protection officer sa bawat establisimyento kung saan kinukuha ang mga impormasyon ng bawat kostumerpara sa contact tracing.
Ayon kay NPC Commissioner Raymond Liboro, karapatan ng bawat kostumer na hingin o hanapin ang privacy notice sa bawat form na fini-fill out o pinipirmahan.
Ani liboro ito’y bilang proteksyon sa mga impormasyong hinihingi sa mga kostomer para hindi ito mapunta kung kani-kanino o magamit kung saan.
Dapat din umanong sinisira o sinusunog matapos ang tatlumpung araw ang mga form na sinagutan ng kostumer kung manual ang contact tracing ng sistema ng establisyimento.
Kasabay nito, inihayag ng NPC na ang kanilang kagustuhan na rebisahin muli ng mga ahensya ng gobyerno ang guidelines o mga kailangan lamang na impormasyong hihingin sa mga kostumer na mapakikinabangan talaga sa contact tracing.