Plano ng MMDA o Metro Manila Development Authority na maglagay ng mga sundalo para magmando ng daloy ng trapiko.
Nagpasaklolo ang MMDA sa AFP o Armed Forces of the Philippines upang punan ang kakulangan ng mga traffic enforcer sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Maliban sa AFP, humihingi rin ng tulong ang MMDA sa mga volunteer groups.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, nasa mahigit dalawang libo tatlong daang (2,300) traffic enforcers lamang sa ngayon ang kaya nilang italaga sa iba’t ibang lansangan ng Metro Manila na lubhang maliit sa kinakailangang limang libo (5,000) na dapat magmando sa daloy ng trapiko.
Maliban sa pagmamando ng trapiko, humingi rin ng tulong ang MMDA sa AFP para tiyakin ang seguridad sa mga isinasagawa nilang clearing operations laban sa illegal vendors at illegal parking.
Plano ng MMDA na kumuha ng limandaan (500) pang traffic enforcers mula sa mga employment agencies.
By Len Aguirre | Report from: Allan Francisco (Patrol 25)