Nanawagan ang PhilHealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (PhilHealth-WHITE) kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng pansamantalang pinuno ng ahensya habang iniimbestigahan pa ang mga matataas nitong opisyal.
Ayon sa grupo, ang dapat na pansamantalang maging caretaker ng ahensya ay talagang may kaalaman sa health insurance at subok na ang integridad sa trabaho.
Ipinabatid din ng grupo ang kanilang pagtutol sa panukalang pansamantalang pamunuan ni Health Sec. Francisco Duque III ang PhilHealth.
Giit ni PhilHealth-WHITE National President Maria Fe Francisco, si Duque ay subject din sa maraming imbestigasyon at wala rin aniya silang nakikitang ginagawa nito sa ngayon.
Dagdag pa ni Francisco, hindi man lamang naglabas ng pahayag ang si Duque hinggil sa nangyayari sa PhilHealth.