Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating PNP-Special Action Force Commander at retired General Moro Lazo bilang bagong Director General ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ito ang kinumpirma ni Office of the Press Secretary (OPS) OIC Cheloy Garafil.
Papalitan ni Lazo si Wilkins Villanueva na dalawang dekadang naglingkod sa hanay ng drug law enforcement.
Nagsilbi rin sa Lazo bilang Hepe ng Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Office at naging bahagi ng binuwag na Philippine Constabulary at miyembro ng Presidential Security Group (PSG) noong Ramos administration. - mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13) at panulat ni Hannah Oledan