Ikinatuwa ng mga negosyante ang ginawang pagtatalaga ni President elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga miyembro ng kaniyang economic team.
Sa pahayag ng Makati Business Club, magbibigay umano ng kumpiyansa sa mga lokal na dayuhan at negosyante ang mga itinalagang miyembro para sa economic team dahil mas maraming karanasan ang mga napili ni Marcos.
Mas mabilis ding maisusulong ng Marcos administration ang mga polisiya hinggil sa paglikha ng trabaho, kompetisyon at pagrekober ng ekonomiya ng bansa.
Inihayag naman ng mga bagong talagang miyembro ng economic team na handa sila sa mga hamon upang mapalakas at muling maibangon ang ekonomiya ng Pilipinas.
Nangako din sila na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para masiguro ang maayos na pamamalakad sa economic team.