Malugod na tinanggap ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong Opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Itinalaga ng Pangulo si Army’s 10th Infany MGen. Ernesto Torres bilang Commander ng Northern Luzon Command (NOLCOM) kapalit ng nagretirong si Lt/Gen. Arnulfo Burgos Jr.
Si MGen. William Gonzales naman ng 11th Infantry Division ng Philippine Army ang itinalagang bagong Inspector General ng AFP kapalit ng nagretirong si Lt/Gen. Nemesio Gacal.
Uupo namang bagong Commandant ng Philippine Marine Corps si Navy Vice Commander MGen. Nestor Herico na kapalit ng nagretiro na ring si Marine MGen. Ariel Caculitan.
Hinirang din ni Pangulong Duterte ang kapatid ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos na si Navy Vice Admiral Alberto Carlos bilang bagong Commander ng Naval Western Command kapalit ng magreretiro nang si Vice Admiral Roberto Enriquez sa Enero a-24.
Habang si Rear Admiral Anthony Reyes ay itinalaga bilang bagong AFP Deputy Chief of Staff kapalit ng magreretiro nang si Vice Admiral Erick Kagaoan sa Pebrero a-25.
Kumpiyansa si Lorenzana na magagampanan ng mga bagong talagang opisyal ang kanilang mandatong bantayan at protektahan ang bansa at mamamayan mula sa anumang banta.