Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na hanggang sa a-8 ng Nobyembre na lamang ang paghahain ng pagtatama sa pangalan ng mga kakandidato sa national and local elections para sa halalan 2022.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, sa unang linggo na lamang ng Nobyembre maaaring magsumite ng request para sa pagtatama ng pangalang ilalabas sa balota sa darating na eleksyon.
Habang sa a-15 ng nobyembre naman ang deadline ng paghahain ng Certificate of Candidacy para sa substitution ng isang opisyal na kandidatong umurong, namatay o nadisqualify.
Bukod dito, inilabas na rin ng ahensya ang tentative list ng mga kandidato nitong Biyernes.
Ang nasabing listahan ay base sa COCs, certificate of nomination and acceptance at certificate of nomination na isinumite mula nuong a-1 hanggang a-8 ng Oktubre .