Isusulong ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang pagtanggal sa probisyon na naglalayong patawan ng anim na Pisong excise tax ang kada litro ng langis.
Ito’y makaraang umabot na sa 60 Dollars per barrel ang presyo ng langis sa world market kaya’t nasa 50 Pesos na ang kada litro nito sa bansa.
Ayon kay Recto, mga consumer ang tatamaan ng ilang probisyon na nakapaloob sa panukalang tax reform acceleration and inclusion o TRAIN kaya’t dapat humanap ng ibang mapagkukunan ng koleksyon ng buwis.
Tinukoy ng Senador ang mga nakikita niyang posibleng pagkunan ng dagdag na tax collection sakaling tanggalin ang excise tax sa langis.