Nagkasundo ang mga alkadle sa Metro Manila na gawing non-mandatory ang pagsusuot ng face shield.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, mandatoryo lamang na isusuot ang face shield sa mga ospital, health centers at mga pampublikong sasakyan.
Ngunit sinabi din niya na ihahain pa ito ng mga alkalde ng NCR sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.
Sa ngayon, inalis na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang panuntunan sa pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar maliban sa ospital, epektibo ngayong araw, Nobyembre 8. —sa panulat ni Airiam Sancho