Hindi pabor si Health Secretary Francisco Duque III na alisin na ang health protocol na pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.
Paliwanag ni Duque hindi pa panahon para tanggalin ang polisiyang ito lalo’t limitado pa ang sakop ng mga nababakunahan kontra COVID-19.
Ani Duque, maganda ang panukalang ito kung malaki na ang vaccination coverage sa bansa.
Batay sa pinakahuling tala, aabot sa mahigit 3.9 milyong Filipino ang mga nabakunahan na kontra COVID-19.