Dismayado ang Commission on Elections sa mga kandidatong nagpapaskil na ng kani-kanilang campaign advertisements bago pa man ang itinakdang campaign period.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, bagama’t aminadong sila ang sisisihin dito ng publiko, hindi aniya saklaw ng kanilang kapangyarihan ang magtanggal ng mga campaign materials.
Muli namang ipinaalala ni Chairman Garcia na magiging kandidato lamang ang mga aspirant sa February 12 kung sila ay tatakbo para sa national position habang sa March 28 naman para sa local position.
Kasunod nito, nagpaabot ng mensahe ang poll body chief sa mga politikong maagang umeepal na hinay-hinay lamang at huwag i-underestimate ang katalinuhan ng mga Pinoy. – Sa panulat ni Laica Cuevas