Tiniyak ni incoming President Bongbong Marcos Jr, na ipagtatanggol ng kanyang administrasyon ang soberanya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa China nang may paninindigan.
Sa kanyang kauna-unahang press briefing matapos iproklama bilang presidente, inihayag ni Marcos na sagrado ang soberanya ng bansa at hindi ito dapat i-kompromiso anuman ang mangyari.
Sa usapin naman ng West Philippine Sea (WPS), iginiit ni BBM na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay walang kahit isang bahagi ng teritoryo ng naturang karagatan ang ma-aangkin o masasagasaan, lalo ng ibang claimants.
Samantala, binigyang-diin ni Marcos na hindi kailanman makikipag-giyera ang Pilipinas sa Tsina para lamang igiit ang karapatan sa WPS.