Planong palaguin ng Department of Agriculture (DA) ang industriya ng pagtatanim ng palay sa Bohol.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol nagkasundo na ang ahensya at lokal na pamahalaan hinggil sa pagpapahiram ng puhunan para sa mga magsasaka sa ilalim ng agriculture credit policy.
Paliwanag ni Piñol, bagaman malawak ang mga lupang sakahan sa Bohol ay mababa pa rin ang produksyon ng palay dito dahil sa luma ang ginagamit na paraan ng pagtatanim.
Target ng DA na palawakin ang pagtatanim ng hybrid rice seeds sa mga lupang taniman sa naturang lalawigan.
—-