Isinusulong ng DENR o Department of Enviroment and Natural Resources na maging mandatory ang pagtatanim ng puno sa Metro Manila.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, halos wala ng puno sa mga pangunahing lugar sa Kamaynilaan na maaari sanang pangontra sa polusyon.
Aniya, hihirit siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na para magpalabas ito ng executive order na nag-oobliga sa pagtatanim ng mga puno partikular sa mga subdivision.
Mas makabubuti ito ayon kay Cimatu dahil magiging inter-agency ang pagkilos para sa kalikasan.
By Rianne Briones
Pagtatanim ng puno sa Metro Manila planong gawing mandatory was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882