Ipinagdiriwang ngayong araw ng mga Muslim sa buong bansa ang Edi’l Fitr o pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.
Inanunsyo ni Moro Grand Mufti Abu Huraira Udasan sa wikang Tagalog, Ingles at Maguindanaon na magsisimula ngayong umaga ang pagdiriwang ng Edi’l Fitr partikular sa Mindanao.
Sa ARMM, nagmistulang trade at cultural tourism ang pagtatapos ng Ramadan sa pamamagitan ng pag-popromote ng mga halal food at non-food products sa Bangsamoro Regional Government Center sa Cotabato City.
Inihayag naman ni ARMM Governor Mujiv Hataman na magsasagawa ng open field congregational prayers sa mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Makabuluhan anya ang Ramadan ngayong taon lalo’t nagsimula ito matapos ang May 9 national, local at ARMM Regional elections na naging dahilan ng tensyon at pagkakawatak-watak ng mga mamamayan.
By Drew Nacino
Photo Credit: cnnph