Nakikita na ng World Health Organization (WHO) ang pagwawakas ng covid-19 pandemic.
Ito ay matapos bumagsak ang naitatalang bilang ng nahahawa sa virus sa buong mundo.
Ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, mula sa milyong-milyong nagpopositibo sa covid-19 simula noong March 2020 ay bumagsak ito sa pinakamababang bilang na 4.2 million noong September 4.
Gayunman, nilinaw ni Ghebreyesus na hindi pa rin dapat magpaka-kampante ang publiko at patuloy na sumunod sa health protocols at magpabakuna.
Pinayuhan naman ng opisyal ang lahat ng bansa na samantalahin ang pagkakataong mababa ang naitatalang kaso, upang mapigilan na ang pag-usbong ng mga bagong variants.