Posibleng mapaaga ang pagtatapos ng El Niño phenomenon sa kalagitnaan ng taong ito.
Ito ayon sa US NOAA o National Oceanic and Atmospheric Administration ay dahil unti-unti nang humihina ang El Niño kumpara noong Disyembre kung kailan naitala ang pinakamalakas na epekto nito.
Gayunman, sinabi ng NOAA na kahit may pagbaba sa temperatura sa silangang bahagi ng Pacific Ocean ay nananatili pa rin itong mataas bukod pa sa patuloy na pag ihip ng hangin mula sa kanluran patungong tropical regions.
Hindi pa rin naman matiyak ng weather experts kung kailan mangyayari ang transition bagamat may mga indikasyon na ng pagpapalit ng El Niño at La Niña.
By Judith Larino