Inaasahang idedeklara ng Armed Forces of the Philippines o AFP na tapos na ang giyera sa Marawi City bukas, araw ng Linggo.
Ayon kay Western Mindanao Command Lt. General Carlito Galvez, ito ay dahil iilan na lamang na mga teroristang Maute ang kanilang hinahanap sa maliit na area na lamang ng syudad.
Tiwala si Galvez na kayang-kaya na itong tapusin ng militar ngayong araw para bukas ay opisyal nang matapos ang krisis sa syudad.
Martes nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang syudad matapos na mapatay ang mga natitirang lider nito na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.
—-