Nagkaroon ng pagpupulong ang ilang mga moderate Republican at Democratic senators para talakayin ang muling pagbubukas ng mga federal agencies ngayong Lunes.
Kasunod ito ng pagdedeklara ng government shutdown ang White House simula noong Biyernes matapos na hindi mapagkasunduan ang panukalang pondo ng gobyerno.
Gayunman tumanggi nang magbigay ng detalye ang mga nasabing US senators kung nakabuo na sila ng kasunduan bagama’t umuusad na anila ang pag-uusap.
Ipinauubaya na rin anila ang pasya sa mga lider ng Republican at Democrat sa Senado.
Kabilang naman sa lumulutang na kasunduan ay ang pagbubukas muli ng US government kapalit ng pangakong reresolbahin ang usapin hinggil sa mga immigrants.
—-