Posibleng ideklara na ng Armed Forces of the Philippines o AFP na matapos na ang gyera sa siyudad ng Marawi ngayong araw, Oktubre 22,2017.
Kahapon tinapos na ng militar ang pagsasagawa ng clearing operations sa tatlong buildings kung saan hinihinalaang nagtatago ang mga natitirang Maute stragglers.
Batay sa naging pahayag ni Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez, ngayong araw ng linggo tutuldukan na ng militar armed clashes sa siyudad at wala ng putukan pa ang maririnig.
Inihayag ng heneral na target ng military at police operations ang isang maliit na lugar na pinagtataguan ng teroristang Maute na may hawak paring tatlo hanggang apat na lalaking bihag.
Kumpiyansa si Galvez na maidedeklara na ng militar na totally free from terrorist ang Marawi na siyang ika-152nd day ng rebellion.
Ipinagmalaki ng AFP ang pagkakapatay ng mga sundalo sa top Maute-ISIS terrorists na sina Isnilon Hapilon, Omar Maute at ang malaysian bomb expert na si Dr. Ahmad Amad.
Pinaghahanap pa rin sa ngayon ang dalawa pang terorista kabilang si Amin Baku na siya umanong tumatayong lider ng teroristang grupo.