Pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatapos ng 167 kadete ng PMA o Philippine Military Academy sa ilalim ng SALAKNIB Class of 2017 sa Borromeo Field ng PMA grounds sa Baguio City.
Mismong ang Pangulo ang nag abot ng Presidential Saber kay Cadet First Class Rovie Mairel Martinez na siyang valedictorian ng klase at nakatakdang sumama sa puwersa ng Philippine Navy.
Ang PMA class 2017 top 2 naman na si Cadet First Class Philip Modestano ang Vice Presidential Saber mula kay Vice President Leni Robredo at nakatakdang sumali sa Philippine Army.
Top 3 naman si Cadet First Class Eda Glis Marapao na nakatakdang sumama sa puwersa ng Philippine Navy.
Top 4 si Cadet First Class Cathleen Baybayan, top 5 naman si Cadet First Class Carlo Emmanuel Canlas, top 6 si Cadet First Class Shiela Joy Jallorina, top 7 si Shiela Marie Callonge
Nasa ika walong puwesto si Cadet First Class Joyzy Funchica, number 9 si Cadet First Class Resie Hucalla at top 10 si Cadet First Class Catherine Mae Gonzales.
Samantala itinuturing namang class goat o mayruong pinakamababang grade sa mga nagsipagtapos sa SALAKNIB class of 2017 si cadet First Class Rinze Eviota.
Iprinisinta ni PMA Dean of Academics Coronel Joseph Villanueva ang graduates of class salaknib na 90 ay magsisilbing opisyal ng Philippine Army, 33 sa Philippine Airforce at 44 sa Philippine Navy.
By: Judith Larino / Jonathan Andal
Photo Credit: RTVM/ Presidential Communications