Inilunsad ni PNP Chief P/Gen Camilo Pancratius Cascolan ang dalawa niyang paboritong proyekto na tututok sa kapakanan ng mga lokal na komunidad sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Una rito ay ang Barangay Anti – COVID Defense (BACOD) kung saan lima o anim na barangay ang igu-grupo sa isang cluster sa ilalim ng PNP patrolya ng bayan – barangay enforcement teams.
Ito aniya ang magtitiyak sa health standards, seguridad, police visibility, pagtulong sa contact tracing at pagtuturo ng backyard farming sa mga komunidad.
Sa ganitong paraan ani Cascolan, magiging mas malawak ang pagtutulungan ng pnp at mga lokal na komunidad laban sa COVID-19, ilegal na droga at krimen.
Gayundin sa kampaniya ng pamahalaan na sugpuin ang kahirapan maging ang pagtutulungan para sa unti-unting pagbangon ng ekonomiya.
Ang ikalawang proyekto ni Cascolan ay ang PNP food bank na magiging imbakan lahat ng donasyong pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan na natatanggap ng PNP.
Ito’y isang logistics system para sa epektibong maipamahagi ng tulong sa mga komunidad na nangangailangan sa gitna ng pandemya na maaari ring gamitin sa panahon ng iba pang kalamidad.