Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Gamboa ang admin support to coronavirus disease 2019 (COVID-19) Operations Task Force Commander P/Ltg. Camilo Cascolan na bumuo ng Auxillary Corps of Police Psychologyst sa ilalim ng PNP health service.
Ito’y para bigyan ng naaangkop na atensyon ang mental health ng mga pulis na nakatalaga bilang frontliners laban sa COVID-19.
Ayon kay Gamboa, hindi lamang bantad sa virus ang mga pulis kung hindi gayundin ay prone din ang mga ito sa pagkabagot at depression na nagreresulta sa mas seryosong mental health condition.
Inatasan na rin ni Gamboa si directorate for personnel and records management Director P/MGen Reynaldo Biay na umpisahan na ang pagtukoy sa mga pulis na sanay sa clinical psychology mula sa ibat ibang units ng PNP ito ay para mapasama sa corps of police psychologist.
Samantala inanunsyo na rin ng PNP health service ang muling pagsasagawa ng annual physical examination ng PNP personnel para sa taong 2020 na gagawin sa Hulyo.
Kinakailangan naka-complete uniform ang mga pulis na sasailalim sa annual physical examination at dapat sundin pa rin ang physical distancing at minimum health standards sa pagrereport sa PNP health service.