Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatatag ng “peace corridor” na naglalayong mapabilis ang rescue at humanitarian operations ng mga sibilyang na-trap sa bakbakan ng militar at maute terror group sa Marawi City.
Ang peace corridor ay pangungunahan ng government peace panel at MILF panel para matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan at maihatid kaagad ang tulong sa mga ito.
Ayon kay Irene Morada Santiago, chairperson ng Government Implementing Panel, magtutulungan ang MILF at gobyerno para bantayan ang lugar kung saan itatatag ang peace corridor.
Ipinabatid ni Santiago na magpupulong ang mga miyembro ng implementing panels sa loob ng linggong ito para isapormal ang mga gagawing hakbang para sa peace corridor.
By Meann Tanbio | With Report from Aileen Taliping