Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang pagbuo ng Philippine Rise Development Authority o PRDA.
Ayon kay Angara, magiging mandato ng itatatag na PRDA ang hawakan ang pangangalaga sa lahat ng matutuklasang likas na yaman sa Philippine Rise gayundin ang koordinasyon sa mga nagnanais na magsagawa ng pananaliksik dito.
Paliwanag ni Angara, maraming pang maaaring matuklasan at kailangan malaman sa Philippine Rise kaya dapat aniya magkaroon ng isang ahensya na makikipag-ugnayan sa mga dayuhang nais magsaliksik sa nasabing teritoryo.
Dagdag ni Angara, magiging malaking tulong din ang PRDA para sa sustainable development ng mga potensyal ng Philippine Rise tulad ng alternatibong pagkukunan ng enerhiya at marine resources.