Pina-plano ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines ang pagtatayo ng 230 kilovolt Pasay City Substation Project para maiwasan na ang mga brownout sa Metro Manila.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng transmission development plan ng NGCP na layong palakasin ang grid facilities sa kalakhang Maynila.
Bahagi rin ng proyekto, ayon sa NGCP ang probisyong i-konek ang Pasay Substation direkta sa isang sub station sa Bataan sa pamamagitan ng isang high voltage submarine cable.
Ang planong pagpapatayo ng Pasay Substation ay itinuturing na critical infrastructure project na siyang susuporta sa paglago, pag-unlad at seguridad sa enerhiya ng kanlurang bahagi ng Metro Manila.
By Judith Estrada – Larino